Mga bagay na natutunan ko sa taon na to...whoah! at hindi biro kung pano ko natutunan! =P *wink*
1. Magsalita ka, noh?!!!
Ang dami ng cellphone na nagkalat. Bawat isang Pilipino meron na. Yung iba nga dalawa pa. Usung-uso ang text. Pero bakit di mo pa rin masabi yung talagang gusto mong sabihin? OO! Yung totoo. Yung walang palabok. Wala kung wala. Meron kung meron. At iwasan ang text. Napaka-impersonal. Nakaka-offend. At isa pa...malamang mali pa ang intindi nung bumabasa..kasalanan mo pa tuloy.
At sa mga taong nakikipag-break thru text...maawa po kayo sa sarili niyo. Yun lang =P
2. Right of Way
Sampu. Ten. 10. Sampung beses sa isang linggo na sumasakay ako ng MRT. Limang beses sa isang linggo ako kung umakyat sa hagdan ng Boni Station. Eto ka, siguro may walong dipa ang lapad ng hagdanan pero yung buong espasyo kinakain ng mga taong bumababa. Si Mrs Seguerra, yung titser ko nung high school -- sa kanya ko unang naintindihan ang "right of way". Pag nababanggit ang salitang disiplina, nang-gagalaiti na niyang kinukuwento kung gaano siya naiinis sa mga taong hindi marunong umintindi ng right of way. Salubungin ka ba naman na nasa dulong kanan ka na ng hangdan - tipong nakadikit ka na sa gilid ng hagdan? Mantakin mong bungguin ka pa? Haayyyy....
3. Wag Na Init Ulo, Baby!
Labin-limang minuto ang biyahe ko mula Boni Station hanggang Taft Station ng MRT. Tapos pag Martes at Huwebes naman ay 30 minuto mula Taft Avenue Station hanggang Quezon Avenue kapag pumapasok ako sa klase ko. Bale, 14 na oras kada isang buwan ang ginugugol ko sa loob ng MRT. Higit pa yun sa kalahating araw. Eh kung sasabayan mo pa yung mga maiinit ang ulo na walang ginawa kung hindi sumigaw o magparinig o magalit..eh gudlak po sa inyo. Tatanda lang kayo ng maaga. At ang mas malala..magmamatigas ang nasa harapan niyo at di kayo makakalabas ng tren pagdating sa istasyon niyo. Ang aking payo -- makiusap, makisuyo. Ang marahang pakikiusap ay nakakapang-lambot ng puso. Yun lang =D
4. Do What You Preach (or else Papa, Don't Preach) =P
Madaling magsabi kung ano dapat ang gawin. Madali ring ipaliwanag. May mga taong kailangan ng gabay sa paggawa ng mga bagay bagay. Meron din namang bigyan mo lang ng direksiyon eh kayang-kaya na ang anumang ipagawa mo. Dun sa mga naka-attend na ng "leadership trainings", alam niyo na ito. Kaya dapat alamin mo ang karakter ng mga tao mo. Di pwede yung sabi ka lang ng sabi pero wala rin namang gawa.
Nabasa ko noon (nalimutan ko na kung sino ang nagsulat), huwag mong balaking magturo kung ang sadya mo ay ipakita lang na mas magaling ka. Ang pagtuturo ay hindi tungkol sayo. Ang pagtuturo ay tungkol sa tinuturuan mo.
5. Wag Kang Makasarili, Wag Kang Madamot
Minsan may pagka ewan rin ang mga tao. Bigay mo yung kanang kamay mo, gusto pa nila pati kaliwa at dalawang paa! OO, sabi ni Lord dapat ibigay natin lahat. Alam ko naman iyon. Pero ngayon, sa eksaktong oras na 'to, tao ako. Hindi ko kayang mawalan ng parehong paa at kamay.
Kanina sampu ang nakasulat sa title ko. Kala ko kasi ganun kadami. O baka nalimutan ko lang yung kalahating lima. Hmm, sabagay ok na rin ang lima. May pag-asa pa pala. =)