Ayon sa isang pag-aaral, ang mga henyo daw ay nagmumula sa malalaking lahi at sa mga lugar na malaki ang populasyon tulad ng China at India. Eto raw ay sa dahilang mas malaki ang bilang nang mga taong dapat nilang mahigitan bago sila matanghal na henyo.
Kumbaga sa isang klassroom na may dalawanpung estudyante, ang pinakamagaling ay sunod lamang sa pinakamagaling ng isang klaseng may limampung estudyante.
Sa bagay, istatistiks na to. Matematika. Mahirap kalabanin lalo na kung isang simpleng tao ka lang na nabubuhay sa simpleng "addition", "subtraction" at kung sinuwerte may unting "multiplication". Sa opisina kaya, ganun din? Pag maliit lang ang isang kumpanya at may isang "henyo", wala siyang sinabi kumpara dun sa henyo sa malalaking kumpanya. Medyo ayaw ko ata tanggapin. May "reservation" ikanga nila. Haay.
Henyo. Bobo. Anong pinagkaiba? Kung di mo naman nauunawan kung pano pagalawin ang mga plano. Ang ideya ay ideya lang. Ang galaw...yun ang nakakapagpa-andar ng bato, ng bus, ng kompanya...at ng bukid.
Sa mga henyo at sa mga hindi...galaw-galaw! (baka ma-stroke!)